ODE TO RAIN
Hala…lagot
Ako’y nababagot
Kaya gagawa ng tula
Sa puso magmumula
—
Nanonood ako ng news
Habang umiinom ng juice
Ibinalita ni Connie Sison
Na nandito na ang rainy season
—
Ayoko nang ma-wet
Mulo ulo hanggang puwet
But how could I forget
My umbrella, packing shet
—
Nanginginig ang lips
Kasi basa nanaman ang brips
Giniginaw ang balls
Habang namamasyal sa malls
—
Lagi na lang may flood
Nakaka-boil ng blood
Walang masakyang jeep
Kasi baha ay betlog-deep
—
At dahil sobrang trapik
Kawawa ang mga adik
Sa party at sa gimik
Ang ali mall ay tahimik
—
At nung ako ay magpa-park
Nakita ko ang Noah’s Ark
Mga hayup dala-dalawa
Boy at girl para mag-asawa
—
Soaking wet ang aking socks
Na isinuot ko with my crocs
Nasira ang aking japorm
Dahil sa buwisit na storm
—
Kaya wag na kayong pasaway
Makinig sa inyong mga nanay
Kapag typhoon signal number is high
mag-stay nalang kayo sa bahay
