
“Mga ‘tol, mga ‘teh, alam niyo na gagawin niyo. Mga totyal, mga dyologz, mga dyedyemon, lahat kayong masasarap, este, mga guwapo’t magaganda, follow na meeh! Promis, try ko mag-tweet as often as I could, kaya lang minsan mahina ang 3G signal dito sa underworld. Ano’ng panama ng mga banyagang vampires and werewolves sa Proudly Pinoy na tiyanak? Itaas ang bandila ng sariling atin, ang kaharian ng kaaswangan (wala lang, nakiki-ride on lang kasi June 12 bukas). Pero maiba ko, babasagin ko lang ang katahimikan ko. May nagsasabing bekwang daw ako (bekwang = beking aswang). Haller? Porke ba shirtless ako sa profile pic ko eh beki na? Porke ba sinisilipan ko yung mga kapre pag naka-squat sila sa tree at naka-laylay ang kanilang maiitim sa jetlog? Porke ba secretly kong pini-piktyuran using my iPhone 4 ang mga tikbalang sa steam room ng gym pag exposed ang kanilang mahahabang titikbalang? Porke ba nagse-send ako ng mga friend request sa FB sa mga kapwa kong naka-shirtless sa profile pic kahit hindi ko sila kilala, just in case mahilig din sila sa mga kapwa nila naka-shirtless sa profile pic? Porke ba feyborit ko si Mariah Carey dahil sa kanta niyang “Always Be My Baby” eh sinambit niyang: “We are aswang babe, for a moment in time…”? Napaka-judgmental niyo! Akala niyo naman kung sino kayong magaganda! Eh ang puputi nga ng mga mukha ninyo, pero mas maitim naman sa budhi ninyo ang mga singit ninyo! Mga anak ng gluta kayo! Eh minsan lang kayong mabilad habang namamalengke, eh nagkukulay talong na kayo! Mga leche (flan) kayo! Eniwey, simple lang yan…either you follow me, or I EAT YOU.
